Bakit Mahilig sa Saging ang Unggoy?

Bakit Mahilig sa Saging ang Unggoy?

Category: Humor


.....

Pauwi na kami ng Tacurong City nung hapon na iyon. Galing kami sa paglilibot ng mga paaralan sa Datu Paglas, Maguindanao para magbigay ng orientation tungkol sa aming mga programa.

ang unggoy at ang kanyang saging

Nang kami ay mapadaan sa hekta-hektaryang puno ng saging sa tabi ng daan na pagmamay-ari ng La Frutera, bigla kong naitanong sa kasama ko:

“Bakit ba sinasabing paborito ng unggoy ang saging samantalang kahit ni isang unggoy eh wala ka naming makikita dito? Di ba kadalasan, ang unggoy eh nakikita mo sa bundok, dun sa maraming mga punong kahoy? Tsaka kahit ano naman kinakain nila eh.”

Ang sagot ni Lyndon, “Baka dahil sa kwento ni Jose Rizal na ‘Ang Pagong at ang Matsing'”. Hmm, may punto siya.

Naalala nio pa ba ang kwento na iyon? Grade 1 ata ako nung narinig ko sa adviser ko na si Ma’am Española iyon. Kung hindi nio na maalala, heto basahin nio. Pabula nga pala ang tawag dun dahil may mga hayop na nagsasalita.

Pero kung dahil sa pabula na iyon kaya nalink ang saging sa unggoy, bakit sa ibang panig ng mundo, ang unggoy nila eh usually portrayed din na paborito ang saging? Ganun ba talaga kalawak ang impluwensiya ni Rizal? Wala namang internet nung panahon na iyon para iblog ni Rizal. Wala ding twitter, plurk o facebok. Oi, hindi na uso ang friendster ha.

Maliban sa unggoy, wala ng ibang hayop na malilink mo sa isang prutas o pagkain. “Oi meron pa”, ang sabi ni Lyndon. “Squirrel at acorn”. Naks, sosyal! Naalala ko tuloy si Scrat ng Ice Age.

So, ito ang mga katanungan ko:

1. Bakit nga ba pinagpipilitan na paborito ng unggoy ang saging?

2. Bakla kaya ang mga unggoy?

3. Kaya ba walang pimples ang mga unggoy eh dahil sa saging?

4. Totoo ba na matalino man ang matsing, unggoy pa rin?

5. Ano pang ibang hayop maliban sa unggoy at squirrel ang malilink mo sa isang prutas o pagkain?

Ang makakapagbigay ng magandang sagot, bibigyan ko ng isang siping saging. 😀

Related Posts with Thumbnails If you want to receive my latest posts, please subscribe to my full feed RSS or have them delivered through email. Just enter your email address below and hit the Subscribe button.

Tags: , , ,

38 Responses to “Bakit Mahilig sa Saging ang Unggoy?”

  1. ianemv Says:

    daga at keso

    [Reply]

    ark Reply:

    Oo nga ano? Napakaobvious, di ko naisip agad.

    [Reply]

  2. max Says:

    peborit ng mga unggoy ang saging dahil takot silang magkapimples,nyahaha

    [Reply]

    ark Reply:

    Ano ba ang meron sa saging at nakakaprevent ng pimples iyon? May scientific basis ka ba?

    [Reply]

  3. mannoy Says:

    tayo din naman ah mahilig sa saging. lalo na pag sira ang tyan.

    [Reply]

    ark Reply:

    Ganun ba? Eh bakit ako hindi ganun? Diatabs lang ang katapat sa akin.

    [Reply]

    mannoy Reply:

    kung di ka mahilig sa saging, ano hilig mo?

    [Reply]

    ark Reply:

    Durian, hehe..

    [Reply]

  4. coyster Says:

    koala at eucalyptus

    [Reply]

    ark Reply:

    I’m sure di mabaho ang hininga ng mga koala dahil menthol breath sila, hehe..

    [Reply]

    mannoy Reply:

    pano kung durian ang kinain mo… ahehehe

    [Reply]

    ark Reply:

    Naku, kakain na rin ako ng eucalyptus para hindi mangamoy-patay ang hininga ko, hehe..

    [Reply]

  5. sweetdonut Says:

    hahaha…dahil ayaw nila ung may buto na prutas..gusto nila lulon agad!lol

    [Reply]

    ark Reply:

    Di ba nginunguya muna nila ang saging bago kainin? Minsana nga eh tinatago muna nila sa mga pisngi nila. Parang reserba ba.

    [Reply]

  6. edan_gwapo Says:

    apple tska baboy (lechon ba..lols)..XD

    [Reply]

    ark Reply:

    Haleer! Nagpapatawa ka ge.

    [Reply]

  7. joemill Says:

    Pusa at daga? Haha… This post is real funny! Big time man! :)

    [Reply]

    ark Reply:

    Hmm, pwede na rin. Buti at natawa ka rin. Akala ko ako lang ang natatawa sa sarili ko, hehe..

    [Reply]

  8. Roy Says:

    rabbit at carrots… huwag mong sabihing hindi mo na inabutan si bugs bunny :)

    [Reply]

    ark Reply:

    Sympre inabutan ko. Mas matanda pa nga sa tatay ko un eh. Eh 1940 ginawa si Bugs Bunny.

    [Reply]

  9. elmot Says:

    ahahha! great read bro! sosyal eh no, squirrel, wow!

    dito sa ating bansa, madami nag-uungoy-ungguyan!

    Thanks for the visit to my site bro. 😀

    [Reply]

    ark Reply:

    Haha, pinoy na nga tayo tapos nag-uungoy-ungguyan pa. Eh ano na ang tawag sa kanila?

    [Reply]

  10. Zorlone Says:

    Pre, let me know kung nasagot ang tanong mo tungkol sa unggoy.

    As for your other question, I think elephants and peanuts are associated with each other.

    Koala and eukalyptus?

    hehehe… I give up.

    Z

    [Reply]

    ark Reply:

    Di pa nga rin nasasagot ang maraming kung mga katanungan eh. Di ata nila alam ang sagot. Alam mo ba? Pakisahre naman jan o.

    [Reply]

  11. Fatherlyours Says:

    Doc Z, may alagang 2 unggoy sa Regional office namin. Pinadala ko ang mga questions para itanong nila. sa ngayun ay Naghahanap pa sila interpreter.Pero ang sure daw nila ay mas paborito daw ng unggoy maghanap ng kuto.

    [Reply]

    ark Reply:

    Haha, panghimagas ata nila ung kuto eh. At dessert ang saging. Balik ka dito pag may kasagutan na sa mga tanong natin.

    [Reply]

  12. joni Says:

    hmm. oonga noh?napaisip tuloy ako. lol
    naala2 ko sbi ng mom ko.iwas pimple daw ang pagkain ng saging. bakit? tgnan mo yung unggoy saging lng kinakain d ngk2pimples. 😛

    [Reply]

    ark Reply:

    Tinanong ko na ito sa nagcomment sa itaas, ano ba ang meron sa saging at nakakaprevent ng pimples iyon? May scientific basis ka ba?

    [Reply]

  13. mannoy Says:

    bakit nga ba? hmmmm….

    [Reply]

    ark Reply:

    Hay naku, hanggang ngayon, wala pa ring makapgbigay ng kasagutan eh.

    [Reply]

  14. lloydsbackyard Says:

    haha, oo nga noh?! hindi rin ako nakapag isip ng ganito.totoo naman na sa punong kahoy lagi kumakapit ang mga onggoy..pero iba na ngayon sa mga bahay bahay na nakatira ang mga onggoy..diba?hehe

    [Reply]

    ark Reply:

    Hehe, sa bahay nio ba eh may unggoy na nakatira?

    [Reply]

    lloydsbackyard Reply:

    haha, oo nga po.. dami na nakatira doon, mga boardmate ko … hahaha, patay ako nila :)

    [Reply]

  15. lloydsbackyard Says:

    sir, pwed xlinks?

    [Reply]

    ark Reply:

    Sure, add me up and I’ll do the same. Thanks.

    [Reply]

  16. katkat Says:

    katuwa namn dit-ehehheeh
    pero di ko din alm ang sagot..

    [Reply]

  17. melardenio Says:

    wala din akong maisip kung baket….wah hahaha..basta yun ang huling pinagtalunan nila ni pagong…
    http://www.melardenio.com/2010/03/ang-pabula-si-pagong-at-si-matsing.html

    [Reply]

  18. rizzalaine Says:

    eow anong gawa mo ngayon.

    [Reply]

Leave a Reply